TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile
TV Patrol

@tvpatrol

Patrol ng Pilipino, naglilingkod saan man sa mundo.

ID: 154426751

linkhttps://www.abs-cbn.com calendar_today11-06-2010 05:56:03

140,140K Tweet

2,5M Followers

264 Following

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Kita sa CCTV ang karambola ng 5 sasakyan sa Toril, Davao City kung saan 2 ang sugatan. Bisitahin ang abs-cbn.com para sa iba pang updates.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Kita sa CCTV ang panloloob ng isang lalaki sa karinderya sa Alaminos, Pangasinan. Nilimas ng suspek ang kaha at ilang mga gamit. Nahuli rin ang suspek. Bisitahin ang abs-cbn.com para sa iba pang updates.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Nabalot ng pangamba ang masayang paliligo ng ilang turista nang biglang lumakas ang tubig na bumabagsak sa Vera Falls Malinao, Albay. Sa Borongan, Eastern Samar, natigil ang paliligo ng mga turista nang ma-stranded sa bigla ring pagragasa ng tubig sa Kaputian Falls.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

EXCLUSIVE: Pinaghahagis mula sa bintana ang mga laptop at cellphone na hinihinalang ginagamit sa isang scam hub matapos mabisto ang operasyon sa isang condomium sa Parañaque City. Ayon sa NBI, tinangka ng mga suspek na sirain ang mga ebidensya sa gitna ng operasyon.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Nanumpa na bilang bagong hepe ng Philippine National Police si Gen. Nicolas Torre III. Iniutos ni Torre sa mga pulis na magparamihan ng mahuhuling sangkot sa droga nang walang pinapatay o nilalabag na karapatang pantao. Basahin: abs-cbn.com/news/nation/20…

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Dumating na sa Villamor airbase sa Pasay City ang mga labi ng 3 negosyanteng pinatay sa Maguindanao Del Sur. Hustisya ang sigaw ng kanilang pamilya. Bisitahin ang abs-cbn.com para sa iba pang updates.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

May dagdag-bawas nanaman sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, June 3 pero maliit lang ang galaw gaya noong nakaraang linggo. Samantala, may posibilidad na tumaas ang singil sa kuryente ng Meralco sa paparating na June billing.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pamamahagi ng halos P800 milyong halaga ng irrigation equipment sa Taguig City bilang bahagi ng reffiting program ng NIA. Basahin: abs-cbn.com/news/business/…

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Naghain na ng reklamo ang dating singer-actress na si Lindsay Custodio laban sa kanyang dating asawa dahil sa umano'y pang-aabuso at trauma na pinagdaanan niya rito. Bisitahin ang abs-cbn.com para sa ibang updates.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Sugatan ang 2 babae matapos bumagsak ang bubungan na sumasakop sa 3 stall sa Mati City Public Market sa Davao Oriental. Bisitahin ang abs-cbn.com para sa ibang updates.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Apat ang nalunod kabilang ang 2 bata matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa dagat sa Zamboanga Del Sur. Bisitahin ang abs-cbn.com para sa ibang updates.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Sumuko sa NBI ang 2 Pinoy na sangkot sa pagdukot sa 3 dayuhan sa Nasugbu, Batangas. Napag-alamang kasabwat sila ng 2 Chinese na unang naaresto sa Bacoor, Cavite. Basahin: abs-cbn.com/news/nation/20…

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Nagkasundo ang Pilipinas at European Union na umpisahan ang mga dayalogo para sa mas malawak na ugnayang panseguridad sa Indo-Pacific Region. Nauna rito, nanawagan ang US na palakasin ang kakayahang pangmilitar ng mga bansa sa Asya bilang tugon sa umano'y banta ng China.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Nagharap na sa unang pagkakataon sina Manny Pacquiao at makakalabang si Mario Barrios. Sa tennis, sasabak na sa grass court tournament si Pinay tennis star Alex Eala. Samantala, pinatunayan ng Olympian na si EJ Obiena na siya pa rin ang hari ng pole vault sa Asya.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Mistulang wala nang galawan sa Senado ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kapag natapos na ang 19th Congress ngayong buwan. Ayon kay Senate President Francis Escudero, nasa desisyon na ng Senado ng 20th Congress na litisin ang nakahaing impeachment.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Ipinaliwanag ng Department of Health kung bakit hindi napoprotektahan ng face mask ang isang indibidwal laban sa pagkakahawa sa Mpox. Kaugnay na ulat: abs-cbn.com/news/health-sc…

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Nakabibilib ang husay ng isang bata mula Rizal dahil sa edad niyang 9, umabot na sa 6 na libro ang kanyang nagawa at 1 rito ay nailathala na.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Diretsong sinagot ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang estado ng kanyang relasyon sa kapwa artista na si Julia Barretto.

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Nasa New York City ang BINI upang ituloy ang pagpapasaya sa kanilang mga fans. Nakiisa rin ang nation's girl group sa selebrasyon ng Philippine Independence Day sa "The Big Apple".

TV Patrol (@tvpatrol) 's Twitter Profile Photo

Tuloy pa rin ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) kahit pa suspendido and EDSA rebuild program. Ipatatawag naman ng LTO ang mga motoristang nagtatakip ng kanilang mga plaka para makaiwas lamang sa huli sa NCAP.